Posts

“Anu ang dahilan kung bakit ka nasisilaw sa malakas na liwanag”

Image
Kapag tumitig kayo sa liwanag, tulad ng pag-titig sa araw, puwede ito makasira at makasunog ng ating mata. Mahapdi ito sa mata at puwede kayo mabulag.  Sa isang banda, kailangan natin ng sapat na liwanag para makakita ng mga bagay-bagay. Ngunit kung sobra naman sa liwanag ay may masamang epekto ito. Una, sasakit ang mata at sasakit ang ulo. Pangalawa, kapag tumitig tayo sa matinding liwanag, puwedeng masunog ang cornea, na nasa harap ng mata. Sa katagalan ay pati ang retina na nasa likod ng mata ay puwedeng ma-apektuhan din. Para maalagaan ang iyong mata at paningin, sundin itong tips: 1. Huwag tumitig sa araw at sa matinding liwanag. 2. Kung lalabas sa may araw, magsuot ng sunglass o sombrero para mabawasan ang liwanag. Piliin ang sunglasses na may proteksyon sa Ultraviolet light. 3. Kahit ang matinding liwanag mula sa telebisyon, computer, cellphone at IPad ay posibleng magdulot ng pananakit sa mata. Bawasan ang liwanag mula sa mga gamit na ito. 4. Sa bawat 20 minu...

"Mga binipisyong nakukuha sa pagkain ng sardinas"

Image
Masustansya ang sardinas (bottled, fresh). Kung kulang sa pera at wala makain, pwede na rin ang delata paminsan minsan. Sa katunayan, ang sardinas ay isa sa masustansyang pagkain. Basahin po ang mga ebidensya: 1. May taglay na Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3 na nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat. Dahil dito, makaiiwas tayo sa atake sa puso at sa istrok. 2. May Coenzyme Q10 – Ang sardinas ay may mataas na lebel ng Coenzyme Q10, isang  anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan. 3. May Calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng ehersisyo, mas titibay ang ating buto at makaiiwas sa osteoporosis. 4. May Vitamin D – Ang vitamin D ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan. 5. May Vitamin B12 – Napakahalaga ng Vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat (nerves), utak, at spinal cord. Ang vitamin B12 ay nagpapalakas din ng katawan at tumutulong s...

"Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin"

Image
MARAMING tao ang natataranta kapag sakit na ang pinag-usapan. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin. At dahil dito, madalas ay nagagastusan sila nang malaki para lang gumaling. Paano ba natin matitipid ang inyong budget? 1. Alamin ang sakit – Una sa lahat, dapat malinaw ang diagnosis o sakit ng pasyente. May sakit ba siya sa puso, sa atay o sa bato? Ano ang tawag sa sakit niya? Isulat ito sa papel para hindi makalimutan. Kung hindi pa alam ng doktor kung ano ang sakit, itanong ang hinihinalang sakit o “working diagnosis.” Puwede na rin iyan. 2. Alamin ang gamutan – Kailangan ba ng pas­yente ang operasyon, laboratory test o gamot lamang? Ilinaw maigi sa doktor. Ano ang maiging paraan ng gamutan? Tandaang maigi ang pangalan ng gamot. Ilista ito sa isang papel. Ano ang dosis at ilang beses iniinom bawat araw? Mahalaga po ito para maintindihan ng doktor at ibang tao ang kalagayan n’yo. 3. Magtanong kung may matipid na gamutan — Huwag mahiyang magtanong sa doktor kung may...

Paminta gamot pala sa ibat ibang uri ng sakit, anu anu ito alamin.

Image
HALAMANG GAMOT: PAMINTA KAALAMAN TUNGKOL SA PAMINTA BILANG HALAMANG GAMOT Scientific name: Piper nigrum Linn,Piper aromaticum Lam. Common name: Paminta (Tagal og); Black Pepper, Pepper, White Pepper (Ingles) pamintaAng paminta ay kilalang pampalasa hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ito ay karaniwang nakikita bilang maliliit na bilog at kulay itim, na minsan ay dinikdik na. Ang mga itim na bilog na pamint ay nagmula sa gumagapang na halaman na may katamtamang taas lang. Ang dahon ay makapal, at ang bulaklak ay kumpol-kumpol sa isang bahagi ng sanga. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PAMINTA? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang paminta ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang itim na paminta ay may taglay na piperine, alkamides, piptigrine, wisanine, dipiperamide D, at dipiperamide E. Mayroon din itong chavicine, at oleoresin. Ang ugat naman ay may taglay na trans- at ...