Paminta gamot pala sa ibat ibang uri ng sakit, anu anu ito alamin.




HALAMANG GAMOT: PAMINTA
KAALAMAN TUNGKOL SA PAMINTA BILANG HALAMANG GAMOT


Scientific name: Piper nigrum Linn,Piper aromaticum Lam.Common name: Paminta (Tagalog); Black Pepper, Pepper, White Pepper (Ingles)pamintaAng paminta ay kilalang pampalasa hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ito ay karaniwang nakikita bilang maliliit na bilog at kulay itim, na minsan ay dinikdik na. Ang mga itim na bilog na pamint ay nagmula sa gumagapang na halaman na may katamtamang taas lang. Ang dahon ay makapal, at ang bulaklak ay kumpol-kumpol sa isang bahagi ng sanga.


ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PAMINTA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang paminta ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang itim na paminta ay may taglay na piperine, alkamides, piptigrine, wisanine, dipiperamide D, at dipiperamide E. Mayroon din itong chavicine, at oleoresin.
Ang ugat naman ay may taglay na trans- at ciscaryophyllene, -3-canene, humulene, limonene, at pinene.


ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ugat. Ang ugat ay maaaring ilaga at ipainom sa may sakit.
Dahon. Ang dahon ay maaaring katasan at ihalo sa langis upang ipampahid sa ilang kondisyon sa katawan.
Buto. Ang mga itim na buto ay karaniwang inilalaga upang magamit sa panggagamot. Maaari itong ipangmumog, inumin o ipang hugas sa ilang bahagi ng katawan.



ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG PAMINTA?
1. Pananakit ng ngipin. Ginagamit na pangmumog ang pinaglagaan ng paminta para maibsan ang pananakit ng ngipin.
2. Iritasyon sa balat. Ipinangpapahid din sa iritasyon sa balat ang dinikdik na paminta upang bumuti ang pakiramdam.
3. Lagnat. Ang pabalikbalik na lagnat ay maaaring humupa sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng paminta.
4. Kabag. Ang pinaglagaan ng paminta ay maaaring mabisa rin para sa kondisyon ng kabag.
5. Sore throat. Ang kondisyon naman ng sore throat ay maaaring matulungan din sa pamamagitan ng pagmumumog ng pinaglagaan ng paminta.
6. Galis. Ang dinikdik na dahon ng paminta ay inihahalo sa langis at saka ipinapahid sa balat na apektado ng galis.
7. Bulate sa tiyan. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng paminta ang kondisyon ng bulate sa sikmura.
8. Paglalagas ng buhok. Ang dinikdik na paminta na inihalo sa tubig ay maaaring ipang hugas sa ulo na dumadanas ng paglalagas ng buhok.

Comments

Popular posts from this blog

“Anu ang dahilan kung bakit ka nasisilaw sa malakas na liwanag”

"Paano Makatitipid sa Medikal na Gastusin"