“Anu ang dahilan kung bakit ka nasisilaw sa malakas na liwanag”
Kapag tumitig kayo sa liwanag, tulad ng pag-titig sa araw, puwede ito makasira at makasunog ng ating mata. Mahapdi ito sa mata at puwede kayo mabulag.
Sa isang banda, kailangan natin ng sapat na liwanag para makakita ng mga bagay-bagay. Ngunit kung sobra naman sa liwanag ay may masamang epekto ito.
Una, sasakit ang mata at sasakit ang ulo.
Pangalawa, kapag tumitig tayo sa matinding liwanag, puwedeng masunog ang cornea, na nasa harap ng mata. Sa katagalan ay pati ang retina na nasa likod ng mata ay puwedeng ma-apektuhan din.
Para maalagaan ang iyong mata at paningin, sundin itong tips:
1. Huwag tumitig sa araw at sa matinding liwanag.
2. Kung lalabas sa may araw, magsuot ng sunglass o sombrero para mabawasan ang liwanag. Piliin ang sunglasses na may proteksyon sa Ultraviolet light.
3. Kahit ang matinding liwanag mula sa telebisyon, computer, cellphone at IPad ay posibleng magdulot ng pananakit sa mata. Bawasan ang liwanag mula sa mga gamit na ito.
4. Sa bawat 20 minuto ng pagbabasa, ipahinga ang mata ng 1 minuto. Tumingin sa malayo para ma-relax ang mata.
5. Kumain ng makukulay na prutas at gulay tulad ng carrots.
Comments
Post a Comment